FANGIRL

dati hindi ko alam ‘yang word na yan then nakilala ko sila ranz, sumali ako mga group nila sa fb. fangirl ang madalas kong nababasa sa mga post nung iba. na-curious ako kaya sinearch ko yung meaning nun pero hindi ko maintindihan. until one day i became one of them. at naintindihan ko na lahat. masaya naman maging fangirl. yung iba nagkaroon ng mga kaibigan. yung iba nga sumikat na dahil sa pagiging fangirl eh. yung iba naman naging close na o natatandaan na sila nung idol nila. pero meron din iba na nasasaktan lang. at ako yun. ewan ko ba. kasi nga i’ve never been a fangirl before. hindi ko alam kung pano ako makikisama sa iba pang mga fans. hindi ko alam kung ano bang effort ang kailangan kong gawin para lang mapansin ako nila ranz. yung feeling na sa panaginip mo lang siya pwedeng malapitan. yung hanggang sa imaginations mo nalang siya pwedeng makasama. yung sa screen mo nalang siya nakikita. yung sa hangin mo nalang siya kinakausap. yung pakiramdam na hanggang pangarap ka nalang. nakakaiyak </3 siguro kaya ako “nasasaktan” sa pagiging fangirl kasi i didn’t take it in a good way o baka there’s more than being just a fan. to be honest ayokong i-consider yung sarili ko as a fan. para kasi sakin pag sinabing fan(girl). oo humahanga ka o may iniidolo ka pero at the same time dapat sinusuportahan mo rin kung sino man yun. eh ako hindi ko naman sila nasusuportahan. kaya ayun. masasbi kong nakita ko kung pano sila sumikat pero wala ako nung nag-uumpisa palang sila. :( bakit ba kasi hindi ko pa sila pinansin nung nakita ko na sila. bakit ba kasi hindi ko pa sila nakilala noon. kung dati palang nakilala ko na sila… edi sana napansin na nila ako. baka sana ngayon kilala na nila ako. edi sana hindi ako nakikipag-agawan sa atensyon nila. edi sana hindi ako naiingit sa iba. edi sana hindi ako nagpapakatanga para lang mapansin nila. edi sana hindi ako umaasa. edi sana hindi ako nasasaktan ng ganito.


0 notes



November 2

gustung-gusto namin ng pinsan ko na pumunta sa Enchanted Kingdom. pinipilit nga niya yung mama niya para bumalik kami ulit dun kaya lang kasi P500 na yung ticket dun kaya hindi pa makapagdecide yung tita ko. sabi pa ng pinsan ko sana sa nov. 2 ulit kami pumunta katulad nung last year (nov. 2, 2012) tapos nung saturday (nov. 2, 2013) nagpunta pala sila Ranz sa Enchanted!! hay tadhana bakit ka ganyan? :(( kshare.


0 notes


leiopard:

calumgirl-5sos-onedirection:

haha! truee! :( (cto)

this

leiopard:

calumgirl-5sos-onedirection:

haha! truee! :( (cto)

this

(Source: freakythomas)


ngayon

wala eh. hindi nabasa ni ranz yung letter ko para sa kanya. hindi niya pa rin ako napansin kahit man lang sa araw na one year na pagiging fan ko sa kanya.

ps. sa ngayon nakaprivate na yung letter hindi rin naman niya yun mababasa eh </3


0 notes



kahapon

(nung umaga) may chance pa ako na makagawa ulit ng letter. so yun kahit ano nalang basta mapabasa ko kay ranz yun. nung natapos ko na tinweet ko na sa kanya. pero minutes ago bago ko natweet yun sa kanya may tweet siya. so nasa isip ko parang online pa siya nun. na baka mabasa pa niya yun. after nun nag-offline na ako kasi aalis pa kami, pupunta kami sa viva. JK. how i wish pero wala talaga eh :( ayun umalis na kami. buong araw akong hindi nakapag-online nung umaga lang. hindi ko alam kung nabasa niya ba yun. kung ano ba nangyari sa fans day.


0 notes



nung friday

gumawa ako ng letter para kay ranz kasi the next day (saturday, oct26) one year na niya akong fan. dapat ipapabasa ko na yun nun sa kanya kahit hindi ko alam kung pano ko yun mapapabasa sa kanya :3 kaya lang nung napost ko na dito putol pala. ewan ko alam kung bakit ganun kaya nainis talaga ako. naubos yung oras ko kakagawa nun tapos ganun lang yung mangyayari. wala pa naman akong kopya nung letter kasi nun ko lang inisip yung mga sasabihin/ilalagay ko dun. one year na akong fangirl so dapat masaya lang pero hindi nasaktan pa din ako hanggang sa dapat special na araw. lahat ng mga letter na ginagawa ko para kay ranz hindi ko natatapos. ayun nga may natapos ako nawala/naputol naman. ang saya-saya no? sarap magpakamatay. yung nangyari sa letter ako naiinis hindi kay ranz ok. wala na akong magagawa dun sa letter. iniyakan ko nalang. kasabay nung pagkawala nung letter parang nawawalan na rin ako ng pag-asa kay ranz. tama na siguro yung one year. pero kahit lagi nalang akong nasasaktan, hindi ko siya maiwan-iwan. ewan ko ba. tanga na ako kung tanga pero hindi ko talaga kaya. ayun iyak lang ako ng iyak. nung medyo tumahan na ako naisip ko na kung i-record ko nalang kaya yung gusto kong sabihin sa kanya para hindi na ako magpakahirap magtype tapos mawawala lang. so yun nalang ginawa ko pero pagkapindot ko sa record button… kroo kroo… walang lumalabas kahit isang word sa bibig ko. naka-ilang ulit ako pero wala talaga tas naiyak ulit ako. ang dami-dami kong gustong sabihin sa kanya pero hindi ko masabi kahit pangalan niya.


0 notes



Walang Kapalit by Allison

uhm yung pinost ko na may soundcloud chuchu wala ba kayong narinig? hindi ko alam kung bakit ganun :/ uhm kung gusto niyong mapakinggan i-click niyo nalang po yung link. thank you :)


1 note


OMG! OMG! nakita ng kuya ko yung letter na ginagawa ko para kay ranz :O

sa cellphone ko kasi yun nakasave eh nakalimutan kong i-close kaya ayun nung hinawakan ng kuya ko yung cp yun agad nakita niya at for sure may nabasa siya lalo na yung “Dear Ranz”!!! pangalawang beses na ‘to nangyayari :( nung una ganun din nabasa din niya yung notes na tungkol din kay ranz na nakasave sa calendar. hay naiinis ako sa sarili ko ang shunga shunga ko kasi >_<


0 notes


every ranzters should listen to this song. kagabi may nabasa akong tweet ng isang fanbase (ni ranz) na may “#rk” lyrics pala yun kasi may next tweet pa… ang ganda daw nung song na yun. na-curious ako kaya sinearch ko sa google then yan yung lumabas. hindi ko na binasa yung lyrics basta dinownload ko nalang. hindi ko kasi mapapakinggan sa laptop kasi nga sira yung sa sounds. around 2am na nung napakinggan ko yan pero dapat matutulog na ako nun. ayun nung nagp’play na natanggal yung earphone/s sa tenga ko hahaha pagkasuot ko yung narinig ko na “(r)anz wala kang kapalit” mga 5 seconds ago nung nagsink in yun sakin :3 nagulat ako nung narinig ko yun hindi ako maka-get over. tinatanong ko yung sarili ko kung ranz ba yung narinig ko :)) nung una ok pa ako pero nung pangatlong replay na… tumulo na yung luha ko. sobrang naiyak talaga ako. nagflashback lahat simula nung unang araw na nakilala ko si ranz. hindi ko maiintindihan yung ibang words kasi nga hindi ko naman binasa/kinopya yung lyrics pero nakarelate talaga ako. bilib ako sa mga nakakapagcompose ng kanta para kay ranz. ako kasi hindi ko kaya yun eh :( at yung nagcompose ng song na yan, Allison pangalan niya right? gusto ko siyang makilala. gusto ko siyang maging kaibigan. ewan ko pero ewan ko talaga hindi ma-explain eh :3

5 notes

every ranzters should listen to this song. kagabi may nabasa akong tweet ng isang fanbase (ni ranz) na may “#rk” lyrics pala yun kasi may next tweet pa… ang ganda daw nung song na yun. na-curious ako kaya sinearch ko sa google then yan yung lumabas. hindi ko na binasa yung lyrics basta dinownload ko nalang. hindi ko kasi mapapakinggan sa laptop kasi nga sira yung sa sounds. around 2am na nung napakinggan ko yan pero dapat matutulog na ako nun. ayun nung nagp’play na natanggal yung earphone/s sa tenga ko hahaha pagkasuot ko yung narinig ko na “(r)anz wala kang kapalit” mga 5 seconds ago nung nagsink in yun sakin :3 nagulat ako nung narinig ko yun hindi ako maka-get over. tinatanong ko yung sarili ko kung ranz ba yung narinig ko :)) nung una ok pa ako pero nung pangatlong replay na… tumulo na yung luha ko. sobrang naiyak talaga ako. nagflashback lahat simula nung unang araw na nakilala ko si ranz. hindi ko maiintindihan yung ibang words kasi nga hindi ko naman binasa/kinopya yung lyrics pero nakarelate talaga ako. bilib ako sa mga nakakapagcompose ng kanta para kay ranz. ako kasi hindi ko kaya yun eh :( at yung nagcompose ng song na yan, Allison pangalan niya right? gusto ko siyang makilala. gusto ko siyang maging kaibigan. ewan ko pero ewan ko talaga hindi ma-explain eh :3


Goodnight! Happy Sweethearts Day! :)


0 notes


(cto) pampagoodvibes :))

(cto) pampagoodvibes :))



October 26, 2012. yan yung araw na humanga ako kay ranz. special sakin yung araw na yan kasi isang beses lang yan dadaan sa isang taon. ilang days nalang oct 26 na ulit at one year na akong fan. one year akong pinangiti ni ranz, pinasaya, pinakilig. pero hindi lahat masaya kasi on the other side umiyak din ako, naghintay, umasa at nasaktan. pero balewala lahat yun kasi sa loob ng one year isa lang ang alam ko. nagmahal ako.


0 notes



these past few weeks…

gumagawa ako ng letter para kay ranz. to be honest its more like “goodbye letter” baka kasi may mangayari na hindi ko inaasahan. basta. hindi ko na tinapos yun nung nalaman ko na namove sa oct 26 yung fans day. akala ko kasi makakapunta ako pero hindi pala. ang hilig ko kasi umasa. kung makakapunta lang sana ako edi parang mac’celebrate ko na din yung one year na pagiging fan ko pero i guess oct 26 will be one of those normal days.


0 notes



THANK YOU!

sa lahat ng followers ko sobrang na-aapriciate ko po kayong lahat. kung kailangan ko kayong pasalamatan ng paulit-ulit gagawin ko. ang babaw ko po ano? pero sobrang thank you po talaga sa inyo lahat. :D

#vampire hoho


1 note